Hinamon ng isang retiradong arsobispo si Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade na mag-commute o sumakay sa mga pampublikong transportasyon, upang maranasan ang sakripisyong tinitiis araw-araw ng mga commuter, dahil sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ang hamon ay ginawa ni Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz, na dating pangulo ng maimpluwensyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod nang aniya ay hindi pinag-isipang pahayag ni Tugade na ang traffic sa bansa ay isang ‘state of mind’ lamang.

“Nakakatawa at nakakapagtaka na meron mga ganoong sinasabi na ‘state of the mind.’ Mabuti siya ‘yung mag–isip at sumakay ng bus para makita niya kung ‘state of the mind,’ lang ‘yun,” ayon kay Cruz.

“Sabihin rin sa mga opisina na pinapasukan na kapag late ‘yung mga empleyado sabihin mo ‘state of mind,’ ‘yan,” dagdag pa nito sa panayam ng church-run Radio Veritas. - Mary Ann Santiago

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez