Nakabawi ang University of the East sa kabiguang nalasap sa defending champion National University nang talunin ang season host University of Santo Tomas, 74-57, kahapon sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Love Sto. Domingo ang Lady Warriors sa naisalansan na 20 puntos, habang kumubra si Eunique Chan ng 13 puntos.

“Yung enjoy, kasi hindi sila nag-enjoy nung naglaro kami sa NU. Masyadong silang tight. Hindi ko alam kung takot or what kaya yun ang mas tinutukan namin ngayon,” pahayag ni Lady Warriors coach Aileen Lebornio.

Mula sa 19-39 na pagkakaiwan sa halftime, sinikap pa ng Tigresses na humabol at nagawa nilang tapyasin sa 13 ang kalamangan may anim na minuto sa laro.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ngunit, hindi nagpabaya si Sto. Domingo na siya ring sumelyo sa kanilang panalo sa naisalpak na three-pointer para hilahin ang bentahe sa 21 puntos sa pagtatapos ng third period.

Nanguna sa Tigresses si Misaela Larosa na nagposte ng 18 puntos. - Marivic Awitan