Ipinasa ng Kamara ang House Bill 3504 na nagpapaliban sa halalan sa Barangay at Sanggunian Kabataan (SK).

Nakatakda ang eleksyon sa Oktubre 31,2016, subalit napagkasunduang idaos na lamang ito sa ika-4 na Lunes ng Oktubre, 2017.

Tumayo si Rep. Sherwin Tugna (Party-list, CIBAC), chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, at inihayag sa sponsorship speech ang kahalagahan ng House Bill 3504, upang ipagpaliban ito at gawin na lang sa 2017.

Binigyang-diin niya na kailangang bigyan ng sapat na panahon ang Commission on Elections (Comelec) upang makapaghanda ang mga personnel nito, at maging ang kanilang resources matapos ang nakaraang lokal at pambansang eleksyon nitong Mayo 9. - Bert de Guzman

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya