NAG-PILOT na kagabi ang newest show ng ABS-CBN na maghahanap at bubuo ng tunay na Pinoy boyband na bibihag sa puso ng sambayanan.

Maging ang creator nitong si Simon Cowell ay excited sa Philippine adaptation ng programang La Banda na nilikha niya kasama si Ricky Martin.

Si Simon ang nasa likod ng tagumpay ng One Direction at Westlife, kaya naman siya ang matatawag na ‘authority’ pagdating sa pagbuo at pagsikat ng mga boyband.

“I’m so excited La Banda is coming to the Philippines. You are going to love Pinoy Boyband Superstar. Watch it exclusively on ABS-CBN,” sambit paanyaya ni Simon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa Pinoy Boyband Superstar, bibigyang pagkakataon ang mga binatang 14 taong gulang at pataas na may charm at talento sa pagkanta na matupad ang kani-kanilang pangarap at mapabilang sa isang five-member boyband.

Mangunguna sa pagbuo at paghatol sa aspiring “ultimate Pinoy boyband” members ang superstar judges na binubuo ng phenomenal box-office superstar na si Vice Ganda, international K-pop sensation na si Sandara Park, pop-rock superstar na si Yeng Constantino, at ang original heartthrob na si Aga Muhlach.

Magsisimula ang boyband journey ng contestants sa kanilang pagharap sa 500 na babaeng fans na kailangan nilang pahangain at pakiligin sa pamamagitan lamang ng kanilang angking looks, charisma, personality, at iba-iba pang gimik.

Para makapag-audition sa harap ng judges, kailangang makakuha ng 75 porsiyento o mas mataas pa na mga boto mula sa all-female audience ang isang contestant. Kapag nabigo naman, maaari siyang makakuha ng second chance na makapasok mula sa superstar judges kung siya ay nakikitaan ng potensiyal.

Sa pagharap naman ng aspiring heartthrobs sa judges, kailangan nilang magpakitang gilas at galing sa pagkanta. Dito, kailangan nilang makakuha ng tatlo o apat na boto mula sa superstar judges upang makalusot sa susunod na round ng kumpetisyon.

Anu-ano nga bang katangian ang hinahanap ng superstar judges na bubuo sa susunod sa pinakamalaking boyband ng bansa? Anu-anong gimik kaya ang gagamitin ng contestants na para mapusuan ng fans at superstar judges?

Pangungunahan ang Pinoy Boyband Superstar ng host na si Billy Crawford na siya ring magsisilbing ultimate kuya sa aspiring talents gamit ang kanyang karanasan sa local at international music scene.

Pakinggan ang pagsasama-sama ng himig ng aspring boyband members sa bansa para sa pagtupad ng kanilang mga pangarap sa Pinoy Boyband Superstar.