Basketball Hall of Fame inductee Allen Iverson speaks during induction ceremonies at Symphony Hall, Friday, Sept. 9, 2016, in Springfield, Mass. (AP Photo/Elise Amendola)SPRINGFIELD (AP) -- Parehong MVP. Kapwa mabangis sa court.

Magkaiba man ang kanilang posisyon, parehong tinitingala sa mundo ng basketball sina Shaquille O’Neal, Yao Ming at Allen Iverson. At pinatibay ang kanilang katayuan sa pedestal sa pagkakaluklok sa Basketball Hall of Fame nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Springfield, Massachusetts.

Binalikan ng bawat isa ang masasaya at hindi malilimot na karanasan sa kani-kanilang speech, gayundin ang pasasalamat sa mga taong naging bahagi at nakatulong sa kanilang pagsisikap tungo sa matagumpay na paglalakbay.

Bukod sa tatlong NBA star, iniluklok din sa Hall of Fame si four-time Women’s NBA champion Sheryl Swoopes, 27-year NBA referee Darrell Garretson, Michigan State University coach Tom Izzo, racial barrier-breaking coach John McLendon, Chicago Bulls owner Jerry Reinsdorf at pioneer era stars Zelmo Beaty at Cumberland Posey.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

“I imagined this for a long time,” sambit ni Yao, pinakasikat na Asian player na nakalaro sa NBA at pinakamataas na miyembro ng Hall sa taas na 7-foot-6.

Naitala ni Yao ang 19.2 averaged point at siyam na rebound sa kanyang career sa Houston Rockets sa loob ng walong taon.

Nagbigay pugay naman si O’Neal, four-time NBA champion, sa mga retiradong legend ng basketball.

“It’s a great honor to be part of this great fraternity.”

Pinasaloamat niya si Julius Erving, ang iconic “Dr. J” at inamin na “I always dreamed of being as good as Dr. J.”

Nagpatanyag sa ‘cross-over moves’, kinilala si Iverson bilang isa sa pinakamahusay na point guard sa NBA. Pinangunahan niya ang Philadelphia 76ers sa NBA Finals noong 2001 kung saan natalo sila sa Lakers na pinopostehan ni Shaq.

Kinilala ni Iverson ang kontribusyon ni Georgetown University coach John Thompson sa kanyang basketball career.

“I want to thank coach Thompson for saving my life,” aniya.