NAPANSIN ng isang opisyal ng United Nations Development Programme (UNDP) ang pangangailangan ng karagdagang public debates sa isyu ng pangkapaligiran, iniulat ng Philippines News Agency (PNA).

Ang ganitong uri ng debate ay oportunidad na rin sa pagpapalaganap ng impormasyon at bagong perspektibo na makatutulong sa pagpapalalim ng pagkakaintindi sa mga isyu at mapahusay ang environmental policy-making process ng gobyerno, ayon kay UNDP Philippines Country Director Titon Mitra.

Idiniin niya na ang kayamanan ng ating bansa sa biodiversity ay nangangahulugan ng pangangailangan sa pagpapanatili ng public discourses sa kapaligiran.

“The Philippines is also among the world’s most mineralized countries,” dagdag niya.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Noong Biyernes, nag-present ang UNDP at University of the Philippines sa 29th annual open debate tournament ng Pi Sigma Fraternity.

Ngayong taon, nakatakdang talakayin sa tournament ang biodiversity conservation, sustainable tourism at ang 2015 Paris climate agreement.

Positibo si Mitra sa makatutulong ang tournament sa pagsusulong sa bansa.

Inilagay ng international experts ang Pilipinas bilang world’s 18 mega diverse country dahil sa kayamanan sa biodiversity sa buong bansa.

“There are few places in the world as rich as the Philippines in terms of biodiversity,” pahayag ni Mitra.

Aniya, ang biodiversity ay isang asset para sa socio-economic development.

Malaking hamon para sa Pilipinas ang pag-aalaga at pagpapanatili ng biodiversity, ayon kay Mitra.

Ang annual debate tournament ng Pi Sigma Fraternity ang longest-running one sa bansa, ayon sa UP.

Tinalakay din sa tournament ang mga kontrobersiyal na isyu sa bansa at ang mga solusyon dito, ayon pa sa UP. (PNA)