Nakopo ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) team ang gintong medalya sa International Canoe Federation (ICF) World DragonBoat Championships sa Moscow, Russia.

Hinablot ng pambansang koponan ang ginto sa unang araw ng torneo sa 20 Seater Senior Mixed 500 meters sa torneo na tinaguriang Olympics sa sports.

Itinala ng Pilipinas ang kabuuang 01:55.992 oras upang talunin ang host Russia na may isinumiteng 01:56.075 oras at ang pumangatlo na Thailand na may oras na 01:56.546.

Tumapos naman na ikaapat hanggang ikaanim sa matira-matibay na finals ang Ukraine, Hungary at Germany.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Despite the cold weather in Russia and the time difference, we were able to win,” sambit ni PCKF national head coach Lenlen Escollante sa Facsebook.

Nakatakda pang lumahok sa sprint at long distance event ang Pinoy. - Angie Oredo