GENERAL SANTOS CITY – Inihayag ng Department of Labor and Employment (DoLE) nitong Biyernes na dadagdagan ng P20 ang minimum na suweldo ng mga empleyado sa pribadong sektor sa Region 12.

Sinabi ni DoLE-Region 12 Director Albert Gutib na inaprubahan kamakailan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang karagdagang P20 sa minimum na suweldo sa pribadong sektor sa South Cotabato, Sultan Kudarat, North Cotabato at Sarangani, at sa mga lungsod ng General Santos at Cotabato.

Aniya, ang mga manggagawa sa non-agricultural sector ay tatanggap na ng arawang sahod na P295 mula sa dating P275, habang ang mga kawani sa non-agricultural at retail services sector ay sasahod ng P277 araw-araw.

Nilinaw niyang ipatutupad ang umento makaraang aprubahan ng National Tripartite Wage and Productivity Board ang umentong isusumite ng RTWPB-12. - Joseph Jubelag

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez