NGAYONG Linggo, magiging Mr. Biglang Yabang si Gabby Concepcion sa Dear Uge.
Matiyagang tumataya sa lotto ang karakter ni Gabby at kanyang pamilya hanggang dumating ang pinakaaasam nila — tutugma ang mga numero nila para mapanalunan ang jackpot prize.
Waging-wagi na sana sila pero nasunog ang bahagi ng kanilang lotto ticket at ang huling dalawang numero na lang ang kanilang nababasa. Hindi naman sila natinag dahil kahit hindi sigurado ay naging magastos at galante ang kanilang pamilya.
Ano kaya ang mangyayari kung malaman nilang hindi pala tugma ang lahat ng numerong kanilang tinayaan sa lotto at kakarampot na halaga lang ang kanilang matatanggap?
Tutok na sa episode ng Dear Uge ngayong Linggo, September 11, pagkatapos ng Sunday Pinasaya sa GMA.