Marami pang pagsabog ang posibleng maganap, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“There will be more because of retaliations, reprisals. But there will be maybe more blasts,” ayon sa Pangulo.

Sa kasalukuyan, tuloy pa rin ang masusing imbestigasyon hinggil sa naganap na pagsabog sa Davao City kamakailan, ngunit tumanggi ang Pangulo na idetalye ito.

“It’s a matter of national security but I said, I guarantee you: there will be a day of reckoning,” ayon sa Pangulo sa isang press conference.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Magugunita na inihayag ni Duterte na plano nitong idaos sa Davao City ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa susunod na taon.

Samantala ikukunsulta muna niya ito sa pulis at militar. “That will depend on the security of Davao City. I would have to listen to the military and the police for an accurate assessment. We do not want any bloody thing here,” ayon sa Pangulo. - Genalyn Kabiling