NAPAKUNOT ang noo ng handlers na kakuwentuhan namin tungkol sa isang wannabe actress na nangangarap mapasama sa big TV network dahil naniniwalang malaki ang magagawa nito sa career niya bilang artista.
Ang mabilis na sabi ng handler na mahinahong magsalita, “Ha? Eh, di ba nag-audition na siya (sa big TV network) before? Wala namang nangyari, wala naman kasing talent at saka hello, hindi naman exceptional ang beauty niya, puwede mo nga siya ihalo sa crowd, hindi siya lulutang.”
Dagdag ng isa pang handler, “Kaya nga dinedma ‘yan ni _____ (isa sa mga boss ng big network) at sa ibang network naman pumasok, ending waley pa rin. Siguro hindi para sa kanya ang showbiz. Magnegosyo na lang siya, baka doon siya suwertihin.”
Speechless na lang kami sa mga narinig namin dahil mas kilala ng mga kausap namin ang wannabe actress na ito.
Oo nga pala, Bossing DMB, usap-usapan sa dating napasukang network na may attitude pala ang wannabe actress na ito kaya hindi rin siya gusto ng mga tao roon lalo na ng mga production staff ng nakatrabaho niya. (Reggee Bonoan)