Nabawasan ng isang milyon ang mga Pilipino na walang trabaho sa second quarter ng taon, ayon sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa nationwide survey na isinagawa noong Hunyo 24-27, 2016 at nilahukan ng 1,200 respondents, napag-alaman na umaabot sa 10 milyon o 21.7 porsiyento ng adults ay walang trabaho, bumaba mula sa 23.9% o nasa 11 milyon na naitala noong first quarter.

Naitala nito ang average joblessness rate sa 22.8% nitong nakaraang semestre kumpara sa 21.1% average noong unang anim na buwan noong 2015.

Ang kahulugan ng jobless sa SWS ay iyong mga nasa 18 anyos pataas na walang trabaho at naghahanap din ng mapapasukan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa mga jobless, 10.3% o tinatayang 4.7 milyong adults ang nagsabi na kusa silang umalis sa trabaho, kumpara 12.8% noong Abril o 5.9 milyon.

Bukod pa rito, 6.7% o 3.1 milyon na nawalan ng trabaho sanhi ng hindi maiiwasang pangyayari, hindi rin nalalayo sa 7.2% o 3.3 milyon na naitala noong first quarter. (Vanne Elaine P. Terrazola)