Dapat na humarap ang Duterte administration sa UN Commission on Human Rights (UNCHR) upang malinawan ang mga alegasyon na nilalabag ng pamahalaan ang mga karapatang pantao sa pagpapatupad sa kampanya laban sa droga.

Ito ang inirekomenda ni United Nations Secretary-General Ban Ki Moon sa pag-uusap nila ni Chief presidential legal counsel Salvador Panelo noong Miyerkules sa ASEAN gala dinner na ginanap sa Laos sa sidelines ng 28th at 29th ASEAN Summit at Related Summits.

“I am not a lawyer, I cannot argue with you,” diumano’y sabi ni Ban kay Panelo sa kanilang pag-uusap.

Ayon kay Panelo, sinamantala niya ang pagkakataon at sinuway ang diplomatic protocol nang lapitan niya ang UN Secretary-General upang magbigay-linaw sa war on drugs sa Pilipinas.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“I talked to him,” sabi ni Panelo sa mamamahayag “I explained to him that there are no violations of human rights.”

Ngunit ipinaliwanag ni Ban na ang problema ay iba ang sinasabi ng maraming tao.

“It is like he is saying in this particular situation, there are ten people and nine of them are telling the UN that violations are really happening,” paliwanag ni Panelo. (Roy C. Mabasa)