Inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang House Bill 2776 na nag-aawtorisa sa Social Security Commission na “patawarin” ang mga contributor o delinquent contributors hindi nakabayad ng kanilang utang sa ahensiya.

Ipinasa ng komite ni Rep. Jesus N. Sacdalan (1st District, North Cotabato) ang panukala na inakda ni Rep. Evelina G. Escudero (1st District, Sorsogon). Nakasaad dito na ang condonation o pagpapatawad ay maisasagawa sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Sections 4, 18 at 22 ng Republic Act 1161 o ang Social Security Law, na inamyendahan na.

(Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji