Kulang pang pambayad sa bayarin sa ospital ang perang napanalunan sa sugal ng dalawang lalaki, matapos umanong pagbabarilin ng kanilang kapitbahay na tinalo nila sa tong-its sa Navotas City, nitong Huwebes ng umaga.

Habang isinusulat ang balitang ito, kritikal ngayon sina Edgardo Sava, 21 at Francisco Luaton, 28, kapwa residente ng Pescador Street, Road 10, North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama bala sa likod at iba pang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Eric Favillaran, 30.

Sa report ni PO2 Paul Roma, dakong 10:30 ng umaga, nagsusugal ang mga biktima at suspek sa isang lamay sa Road 19, NBBS, Navotas City.

Metro

Umawat lang sa mag-jowa! Binatilyo, patay sa taga sa noo

Malaking pera umano ang naitalo ni Favillaran at galit itong umuwi ng bahay, ngunit makalipas ang isang oras bumalik umano ang suspek na may bitbit na baril at pinagbabaril sina Luaton at Sava.

“Inisip siguro ng suspek na pinagkaisahan siya ng mga biktima kaya nagalit at umuwi ng bahay para kumuha ng baril,” ani PO2 Roma.

Nahaharap ngayon sa kasong two counts of frustrated murder si Favillaran. (Orly L. Barcala)