Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

3 n.h. -- Phoenix vs Alaska

5:15 n.h. – SMB vs ROS

Mapanatiling buhay ang tsansa na matapos sa top 2 ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer sa pakikipagtuos sa Rain or Shine ngayong hapon sa OPPO-PBA Governors Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

CHR, iniimbestigahan pagkamatay ng preso sa loob ng City Jail!

Kasakuluyang kasalo ng Beermen ang Mahindra sa ikatlong puwesto taglay ang barahang 6-3, sa likod ng pumapangalawang Ginebra (6-2) na nakatakdang sumagupa sa Enforcers Biyernes ng gabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Sisikapin ng Beermen na makabangon mula sa 85-105 na pagkatalo sa kamay ng league leader Talk ‘N Text Katropa nitong Sabado sa Batangas City. Nakatakda ang laro sa ganap na 7:00 ng gabi.

Asam din ng Elasto Painters na makabawi sa natamong 99-111 kabiguan sa NLEX Road Warriors.

Kasalukuyang kasalo ng ROS ang Alaska at NLEX sa barahang 4-5. (Marivic Awitan)