regine-at-nate-copy

MASAYA ang press launch ng ng Smart Watch ng PLDT Home dahil nakakatuwa ang pagiging bibo ng kanilang “baby ambassador” na si Nate Alcasid, kasama ang inang si Regine Velasquez-Alcasid, na matagal-tagal na ring endorser ng PLDT Home at ngayon bilang isa nang millenial mom, ay mas may peace of mind na raw kahit naiiwan niya si Nate sa tulong ng makabagong technology.

“We are leaving for Japan in a few weeks at hindi na ako masyadong mag-aalaala kapag iiwanan namin si Nate, dahil very useful ang Fam Cam na nagagamit ko para ma-monitor siya kahit malayo ako,” kuwento ni Regine. “At ngayon na may Smart Watch na, p’wede ko na ring makausap si Nate dahil diretso na siyang makasasagot sa akin sa pamamagitan ng suot niyang Smart Watch na connected sa Telpad o sa smart phone na gamit niya.”

Inamin ni Regine na hindi niya hinahayaang masanay si Nate na gumamit ng gadgets sa edad nito ngayon, bagamat madali itong matuto. Kapag gusto nitong gumamit ng gadget, pinahihiram lang niya at sinasabi niyang kanya iyon at pinahihiram lang. Madali raw namang makaintindi si Nate sa mga sinasabi niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Para malaman kung paano gamitin ang smart phone at telpad, bisitahin lamang ang kanilang pldthome.com/telpad/smartwatch.

Naikuwento rin ni Regine na hindi sila nahirapang i-shoot ang TV commercial ni Nate, ganoon din sa pictorial nila.

Kahit daw alam nilang pagod na ito, kapag sinabi nilang may isa pang shoot, nakikinig ito at nakangiti pa sa pagpo-pose. Nakakatuwa na wala palang temper ang bagets.

“Hindi rin namin siya sinanay ni Ogie, na alam niya ang tungkol sa pera. Ayaw naming isipin niyang p’wede niyang bilhin ang kahit anong gusto niya dahil may pera siya. Kaya lahat ng kinikita niya, diretso sa bangko at ilalagay namin iyon sa placement para kapag lumaki na siya makikita niya ang mga naipon niya.”

Kuwento pa ni Regine, mahilig manood ng news si Nate lalo na ang weather reports. Kaya paborito nito ang weather caster ng GMA Network si Mang Tani at alam ni Nate ang tunay na pangalan ni Mang Tani – Nathaniel, katulad ng tunay niyang pangalan.

Sa ngayon, magiging abala muna si Regine sa out-of-town shows niya para sa PLDT Homes. This Sunday, naka-schedule siya sa mall show sa Lipa City.

“Next year na ako gagawa ng isang musical variety show sa gabi at isa pang soap for GMA-7. Once a year ko lang gustong gumawa ng soap, as stipulated sa contract ko. Kaya mas marami akong oras ngayon para makasama si Nate.”

(Nora V. Calderon)