Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi Pilipino ang babaeng nahulihan ng ilegal na droga sa Hong Kong International Airport.

“Our consulate in Hong Kong was able to verify with Hong Kong authorities that the person arrested is not a Filipino,” sinabi ni DFA Spokesperson Charles Jose.

Unang napaulat na isang 30-anyos na turistang Pinay ang inaresto ng Hong Kong authorities matapos madiskubre ang 3.33 kilo ng hinihinalang cocaine na isinilid sa 37 pakete ng hair products sa loob ng bagahe (check-in baggage) nito habang nasa loob ng naturang paliparan.

Nabatid na hindi naman binanggit sa pahayag ng Hong Kong Customs ang nationality ng babaeng suspek, pero galing umano ito sa Maynila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong Agosto, isang Pilipina na hindi nabanggit ang pangalan ang kinasuhan ng drug trafficking matapos tangkaing ipuslit ang 720 gramo ng cocaine sa Hong Kong airport.

Sa pagkakaaresto ng nasabing Pinay, iniutos ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na mas higpitan ang security checks sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 2 at 3.

(Bella Gamotea)