MOSCOW (AFP) – Naging kulay dugo ang isang ilog sa dulong hilaga ng Russia resulta ng industrial accident, sinabi ng environmental group na Greenpeace nitong Huwebes.

Itinanggi ito ng katabing pabrika na pinatatakbo ng Norilsk Nickel, ang pinakamalaking producer ng nickel at palladium sa mundo.

“We believe that a factory pipe must have broken and discharged its waste into the river,” sabi ni Greenpeace Russia spokesman Vladimir Chuprov.

“What happened with the River Doldykan is an example of the cost of industrialisation in Russia’s far north,” aniya, idinagdag na naging pula rin ang ilog noong Hunyo matapos ang kaparehong insidente.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina