CAGAYAN DE ORO CITY – Nangangambang magdilim ang ilang lugar sa Bukidnon kung hindi makababayad ang power utility company sa lalawigan sa susunod na linggo, ayon sa kumpanya.

Maaapektuhan ng pansamantalang power disconnection, na magsisimula ng 12:00 ng tanghali sa Huwebes, Setyembre 15, ang Malaybalay City at mga bayan ng Lantapan, Cabanglasan, Impasugong, Sumilao, Manolo Fortich, Malitbog, Libona, Baungon at Talakag, at Barangay Lilingayon sa Valencia City, ayon sa pahayag ng Bukidnon Sub-Transmission Corporation (BSTC) na inilathala online.

Ang mga ito ay bahagi ng franchise area ng Bukidnon Second Electric Cooperative Inc. (Buseco).

Gayunman, hindi tinukoy ng BSTC kung magkano ang aktuwal na utang ng Buseco sa BSTC, gayundin ang mga detalye ng obligasyong ito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“[BSTC] is set to effect disconnection/suspension of service to BUSECO on 15 September 2016 (Huwebes) at 12 noon in view of Buseco’s failure to pay its delinquent accounts with BSTC,” saad sa notice.

Nangangahulugan ito na mawawalan ng supply ng kuryente ang lahat ng sineserbisyuhan ng Buseco dahil ang huli “will not receive electrical energy through the BSTC sub-transmission system for the duration of the suspension of service of BSTC,” anang notice. (Camcer Ordoñez Imam)