090916_salongaarrest_karingal_07_ante-copy

Pinosasan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong drug supplier, kabilang na ang half brother ng singer-actress na si Lea Salonga, matapos mahulihan ng iba’t ibang uri ng ecstasy na tinatayang aabot sa P1 milyon, sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City at Pasig City, iniulat kahapon.

Kinilala ni QCPD Director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga naarestong sina Philip Mendoza Salonga, 37, ng 26 Freedom Lane, Interville Subdivison, Tandang Sora, Quezon City; Nathaniel Adrian De Guzman Cruz, 39, ng 12B Troy Compound, Pasong Tamo, Quezon City; at Edward Nelson Jose, 33, ng 32 Tongonan Street, Barangay Sauyo, Quezon City.

Nadakip si Cruz sa isang fastfood chain, sa kanto ng East Avenue at V Luna St., Bgy. Pinyahan, Quezon City, matapos umano niyang bentahan ng 51 piraso ng ecstasy ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Base sa imbestigasyon, inginuso ni Cruz si Salonga at sinabing sa huli siya kumukuha ng supply ng ecstasy.

Dito na ikinasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation laban kay Salonga at dakong 2:30 ng madaling araw kahapon, tuluyang nadakip si Salonga sa Reserve Liquor Lounge, City Golf Plaza, Julia Vargas Avenue, Bgy. Ugong, Pasig City.

Habang sa isang follow-up operation, dakong 3:00 ng madaling araw, nang maitimbre sa DAID at DSOU ang pagkakatagpo kay Jose, at dali-daling ikinasa ang operasyon hanggang sa tuluyang maaresto si Jose sa Tandang Sora Avenue, malapit sa Visayas Avenue, Bgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon kay Eleazar, ang pagkakadakip sa tatlo ay bunga pa rin ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga.