Inilunsad ng Philippine Red Cross (PRC) ang mobile application na nagpapakita ng first aid techniques sa mga oras ng pangangailangan.
Ang “First Aid PH” mobile application ay libreng maida-download sa App Store para sa Apple users at Play Store para sa Android users. Dinebelop ito ng American Red Cross at madaling maiintindihan maging ng mga bata.
Makikita sa mobile app ang video sa pagsagawa ng bandaging at Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) sa mga pasyente.
Mayroon din itong mga impormasyon tungkol sa mga sakit gaya ng Zika virus, dengue virus, Chikungunya virus at mga sakit sa puso.
Kahit offline ay mabubuksan ng user ang mobile app na may kasamang PRC hotline 143 na maaaring tawagan sa oras ng pangangailangan. (Jenny F. Manongdo)