LIPA CITY, Batangas - Binulabog kahapon ng pananakot ng pagpapasabog ng bomba ang dalawang kolehiyo at ang cultural center ng Lipa City.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:10 ng umaga nang makatanggap ng mensahe si Gng. Eleonor Remo, Dean ng Office of Student Affairs and Services ng Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa (KLL).

Nakasaad umano sa mensahe na bukod sa KLL ay may pasasabugin ding bomba sa Batangas State University (BSU) at Cultural Center sa lungsod.

Kaagad namang rumesponde ang mga operatiba ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Philippine Air Force na nakabase sa Fernando Air Base, ngunit nagnegatibo sa bomba ang nabanggit na mga lugar. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar