SORPRESANG dumalo si Angelina Jolie sa United Nations Peacekeeping Defense Conference sa Lancaster House sa London noong Huwebes.
Ginulat ng 41-year-old actress ang mga dumalo sa kanyang knee-length black dress na may sheer long sleeves nang batiin siya ng UK Vice Chief of the Defense Staff General na si Sir Gordon Messenger.
Suot ang maliit na diamond earrings na naka-lose bun ang buhok, nagbigay si Jolie ng makabagbag-damdaming talumpati sa summit na dinaluhan ng mga delegado mula sa 80 bansa.
Binigyang halaga ni Jolie ang servicemen at women para sa kanilang “commitment and their sacrifice,” bago siya manawagan ng mas maraming babaeng peacekeepers, sa gitna ng tumitinding alegasyon ng sexual assault sa kababaihan na ipinapadala sa mga lugar ng kaguluhan.
Ang “quality and credibility of UN peacemaking” ay pilit ipinagwawalang-bahala sabi ni Jolie ayon sa The Guardian.
Inihayag niya na “few” pero “intolerable cases of women and children being sexually exploited by the very people in charge of protecting them.”
“The fact is that increasing the number of UN peacekeepers alone will not be enough to fix the conflicts we are experiencing,” aniya. “It has to be accompanied by a new way of conducting peacekeeping. One that has the rights and protection of women at it’s heart.”
Iinagdiinan ni Jolie na ang pagdaragdag ng kababaihan, na ngayon ay hindi lalagpas ng limang porsiyento sa kabuuhan ng UN peacemakers, ay mahalaga para muling mahubog ang pagsisikap ng UN.
“Peacekeeping forces can only gain and keep the trust of the local populations if they are able to engage with women as well men in that community,” aniya. (ET Online)