Dapat magsaka ang agri schools upang lalong mahasa ang kaalaman at kahusayan ng mga mag-aaral nito.

Ito ang binigyang-diin nina House Deputy Speaker at AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin at Rep. Christopher de Venecia (4th District, Pangasinan) sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa P567.56 billion budget na hinihiling ng Department of Education.

Tinanong ni Garin ang mga opisyal ng DepEd kaugnay sa plano nito sa agriculture schools sa bansa sapagkat napapansin niya na bagamat mayroong sakahan ang mga paaralang ito ay tila hindi naman sinasaka.

“They are there as agricultural schools with hectares of farm lands but I don’t know if they are functioning as such.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nawawala yung agriculture part,” puna ni Garin.

Hinimok naman ni De Venecia ang DepEd na magdebelop ng mga istratehiya upang mahikayat ang mga estudyante na kumuha ng kursong Agriculture. (Bert de Guzman)