Setyembre 10, 1960 nang masungkit ni Abebe Bikila, unang atleta mula sa isang sub-Saharan nation, ang gintong medalya sa Summer Olympics, na idinaos sa Rome, Italy.
Inukit niya ang panibagong Olympic record ng mahigit dalawang oras at 15 minuto sa isang marathon event.
Si Bikila, na nagrerepresenta sa Ethopia, ay tumakbo nang nakayapak. Sinabi niya na nais niyang maipanalo ang kanyang bansa ng may determinasyon at kabayanihan. Isinilang si Bikila noong Agosto 7, 1932, sa kasagsagan ng Los Angeles Olympic Marathon.
Nagsimulang kumuha ang Ethiopian government ng foreign coaches upang sanayin ang mga atleta at magpadala ng isang delegasyon ilang taon makalipas ang World War II, habang unti-unting nakikilala ang Olympic Games. Napansin ni Onni Niskanen ang potensiyal ni Bikila, at hinubog ang huli na maging world-class runner.