Nagbabala kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng malakas na ulan sa Eastern Samar, Caraga Region, Dinagat Island, Zamboanga Peninsula at Palawan bunsod ng low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.

Paliwanag ni Glaiza Escullar, weather specialist ng PAGASA, posibleng magdulot ng baha at landslides ang inaasahang pag-ulan sa limang nabanggit na lugar.

Bukod dito, makararanas din ng malakas na pag-ulan sa Bohol, Cebu at Negros provinces.

Thunderstorm naman ang inaasahan sa Metro Manila.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Sinabi kahapon ng PAGASA na huling namataan ang weather disturbance sa Guiuan, Eastern Samar. (Rommel P. Tabbad)