yeng-copy-copy

FROM ASAP in New York, agad na bumiyahe pauwi ng Pilipinas si Yeng Constantino para sa nakatakdang premiere night ng musical play na Ako Si Josephine sa PETA Theater. 

Sa kanyang pagharap sa media, masaya niyang ikinuwento ang mga karanasan sa New York with her ASAP family.

“Sa Barclay Center na venue namin, sumilip kami nila Tito Gary(Valenciano) mula sa likod bago mag-start ang show,” umpisang kuwento niya. “’Tapos nakakaiyak ang nakita namin dahil puno ng mga tao ng venue at mas nakakatuwa po andami ng mga kababayan natin ang nanood.”

Napanood na simula kagabi ang Ako Si Josephine na nagtatampok ng mga kantang isinulat ni Yeng.

Mga Pagdiriwang

#BalitaExclusives: Si Dr. Winnaflor Gaspar, babaeng maraming 'roles' sa buhay

“Hindi ko pa ito napapanood at ngayong gabi ang unang beses na mapapanood ko nang buo kaya excited ako at alam ko naman na magiging maganda ang kabuuan dahil ang gagaling nila lahat.”

Nagbigay na rin ng reaction si Yeng sa balitang hindi na makakasama sa kanilang pa-concert si Rachelle Ann Go dahil may conflict na ang schedule nito sa international theater.

“Nalungkot po kami lahat siyempre pero masaya kami para kay Rachelle Ann sa blessings na dumadating sa kanya. Baka mag-Broadway medley na lang kami para kasama pa rin namin siya sa concert,” unawa ni Yeng. (ADOR SALUTA)