Isang bagong kapulungan na binubuo nang pinakamahuhusay at pinakamatatapang na sportsmen sa bansa ang maghaharap sa pagsisimula ng 17-Leg na labanan sa pinakahihintay na 2016 UFCC Stagwars bukas sa Las Piñas Coliseum sa Bgy. Zapote, Las Piñas City.

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Stagwars ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum; Resorts World – Manila at Solaire Resorts & Casino.

Ang labanan ngayong taon ay gaganapin sa apat na magkakaibang sabungan sa layuning mas mailapit ang mga idolo ng sabong sa masang sabungero.

Ang Las Piñas Coliseum na may bagong parking building ang siyang magiging lugar nang labanan para sa lahat ng one-day 6-stag derby sa Setyembre 10, 17, 24 gayundin sa Oktubre 1, 8, 15 at 22.

Ilalatag bukas ang una sa 16 na one-day 6-stag derby at isang 7-stag event.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Ang Entry fee para sa lahat ng derby ay P55,000, samantalang ang minimum bet ay P33,000.

Nakopo ni 2016 World Slasher Cup champion Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) ang 2015-2016 UFCC Cocker of the Year title at isa sa mga liyamado sa laban, subalit makakaasa siya nang mahigpit na hamon mula kay Gov. Claude Baustista na tinanghal na NCA International Derby titlist.