Iminungkahi ni Senator Grace Poe na pag-aralan ng Department of Transportation (DoTr) ang pagkakarooon ng mga subway o mga kalsada sa ilalim ng lupa bilang alternatibong solusyon sa problema sa trapiko.

Ayon kay Poe, isa lamang ito sa mga pangmatagalang solusyon na dapat pag-aralan ng pamahalaan at subok na epektibo sa ibang bansa.

Inaalam ng Senado kung hanggang saan ang ibibigay nilang saklaw ng “emergency power” ni Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang problema sa trapiko.

“Gusto ko nga talaga itong subway kasi alam mo isa yan sa plataporma natin sapagkat ‘pag sinabi nila, alam mo ‘di pwedeng subway kasi bahain ang Pilipinas ganito ganyan. ‘Di ba yung ibang train nga sa ibang bansa sa ilalim ng bundok tumatahak,”ani Poe.

Giit niya, kailangan lamang ng magagaling na engineer na mag-aaral dito, tulad sa Japan na kahit tamaan ng lindol ay nananatiling matatag at nagagamit ang mga kalsada. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

'Mahal ka palagi ni Lord, Joven!' Nico Waje, host ng 'Customs Check Pilipinas'