NAGSALITA na sa unang pagkakataon si Sofia Richie tungkol sa relasyon nila ni Justin Bieber. Kamakailan ay nagtungo ang modelo kasama ang pop star sa Mexico para ipagdiwang ang kanyang 18th birthday, kaya nang makapanayam siya ng Billboard magazine para sa first-ever style issue nito, naging mahiyain si Sofia nang tanungin tungkol sa kanilang namumuong pag-iibigan.
“We have a special relationship,” aniya. “Justin is very easy to talk to, and that’s hard to find with people in Los Angeles.”
Ibinahagi rin ng teen ang kinaharap niyang online bullying tungkol sa kanilang relasyon. “I remember the paparazzi and the s*** people would say to Nicole, and she wouldn’t respond,” ani Sofie, tinutukoy niya ang sikat na nakakatandang kapatid. “I’m going to be real with you: It. Doesn’t. Bother. Me. As long as I’m happy.”
At marami siyang dahilan para maging masaya. Lumabas din si Sofia sa Vanity Fair, Elle, at Vogue China, bagamat ang kanyang ama, ang music legend na si Lionel Richie, ay patuloy pa rin siyang hinihimok sa music sa pag-iimbita nito ng kanyang mga talentadong kaibigan, kabilang ang brother-in-law niya na si Joel Madden.
“One night he intercoms me, like, ‘Come have dinner in the studio,‘” aniya. “So I go down, and it’s my dad and Pharrell Williams. I’m like, ‘I can’t just sit here and casually have a dinner with you two! I’m so sorry, I’ve got to go back upstairs.’ (Yahoo Celebrity)
