Mga Laro Ngayon
(Smart- Araneta Coliseum)
4:15 n.h.
NLEX vs Globalport
7 n.g.
Ginebra vs Mahindra
Asahan ang hitik sa aksiyon na banggaan sa dalawang pinakasikat na koponan sa kasalukuyan -- Barangay Ginebra at Mahindra – sa 2016 OPPO-PBA Governors Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Itinuturing na perennial ‘crowd-favorite’, haharapin ng Kings ang Enforcers na unti-unting niyayakap ng masang basketbolista dahil sa presensiya ni boxing icon Manny Pacquiao ganap na 7:00 ng gabi.
Kasalukuyang magkasunod sa ikalawa at ikatlong puwesto hawak ang barahang 6-2 at 6-3, ayon sa pagkakasunod, target ng Kings at Enforcers na mapatatag ang kanilang katayuan para sa No.2 spot na may kaakibat na twice- to- beat advantage sa playoff.
Nangunguna ang Talk ‘N Text na may 8-1 marka.
Magtutuos naman sa pambungad na laro ang NLEX at Globalport ganap na 4:15 ng hapon.
Manggagaling ang Kings sa 116-103 panalo kontra Star sa pamumuno ng import na si Justin Brownlee habang nabigo ang Enforcers sa Rain or Shine Painters, 88-103. (Marivic Awitan)