HABANG binabagtas ng Hurricane Hermine ang East Coast ng Florida, nagpadala ang mga siyentista ng ilang underwater drones, na ayon sa kanila ay makatutulong para mas maunawaan kung ano ang nagpapanatili at nagpapalakas sa mga bagyo at kalamidad—at higit na makatutulong para protektahan ang mga buhay at ari-arian.

Ang tinatawag na ocean gliders ay binubuo ng yellow-winged torpedoes. Pinapakawalan ito sa karagatan may 100 milya ang layo mula sa pampang sa continental shelf, na may lalim na 100 hanggang 300 talampakan na sumusukat ng temperatura ng tubig, alat at kapal nito bago, sa kasagsagan at matapos manalasa ang bagyo.

Ang mga tradisyunal na research aircraft na pinalilipad sa mata ng bagyo para kumuha ng tamang sukat ay hindi makabasa ng mga datos tulad ng sa drones.

“One reason hurricanes are so hard to forecast is that intensity depends on conditions ahead of and below the storm,” ani Glen Gawarkiewicz, oceanographer sa Woods Hole Oceanographic Institution sa Falmouth, Massachusetts.

Kayang hanaping mabuti ng robotic gliders, na malayong kinokontrol mula sa baybayin, ang sentro ng bagyo na lubhang mapanganib at hindi praktikal para magpadala ng mga tao, at magbigay ng real-time information, sa tulong ng satellite, sa mga siyentista na ligtas sa kalupaan.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis

Ginagamit ang gliders sa mga nagdaang taon, ngunit ito ang ikatlong taon ng coordinated program na pinondohan ng NOAA Office of Oceanic and Atmospheric Research. Inihayag ni Gawarkiewicz na ang pinakabagong pagpapadala sa drone ay magbibigay ng “look at the continental shelf system in a more holistic manner.”

Nagsisikap ang Woods Hole para sa pagpapatupad sa programang pinondohan ng gobyerno, kasama ang University of Maine, University of Maryland, Rutgers University at ang Gulf of Maine Research Institute.

Pinakamahalagang bagay na nakokolekta ng gliders ay ang temperatura ng tubig, na importanteng bagay para matukoy ang lakas ng bagyo, ayon kay Gawarkiewicz.

Kapag gumalaw ang bagyo sa mas malamig na tubig mula sa malalim na karagatan, hihina ang intensity nito. Makatutulong ang datos sa mga forecaster para mas wastong matukoy ang mga paparating na bagyo, at mas mabalaan ang mga residente sa baybayin kapag malapit nang tumama ang hurricane.

Nagawa ito ng mga siyentista sa Hurricane Hermine. Kahit bahagyang mahinang hurricane ito at bumaba bilang tropical storm sa puntong tumama ito sa katubigan bandang hilagang-silangan, mabagal itong gumalaw paalis ng Atlantiko hanggang patungong New York/New England coast ng ilang araw, na nagbigay sa mga siyentista ng mas malawak na datos.

Nasa karagatan pa rin ang gliders at nangongolekta ng datos matapos ang bagyo, na magkapagbibigay sa mga siyentista ng ideya kung ano ang nangyari ilang linggo matapos manalasa ang bagyo, na maaaring makaapekto sa panahon.

Maaaring umabot ng ilang buwan para masusing suriin ang datos ng Hermine, ngunit may dala itong sorpresa, ayon kay Gawarkiewicz. Halimbawa, nagtungo ang bagyo palayo pakanluran kumpara sa orihinal na prediksyon, at ang nakolektang datos ang makatutulong para ipaliwanag ito. (Associated Press)