Isinusulong ngayon ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagpapataw ng multang P1 milyon sa mga pasaway na telecommunications companies (telcos) na patuloy na nagbibigay ng mabagal na internet connections sa tinatayang 58.2 milyong internet users sa bansa.

Ayon kay NTC chairman Gamaliel Cordova, isa lamang ito sa mga paraan upang ayusin ng mga telco ang kanilang serbisyo na matagal nang inirereklamo ng mga gumagamit ng internet, dahil hindi pa rin nila nararamdaman ang ipinangakong “broadband” o ang high-speed internet connection.

Aniya, dapat nang magpasa ng panukalang batas ang mga mambabatas upang mapatawan ng kaukulang parusa ang mga ito.

Matatandaang inilagay ang Pilipinas sa ika-176 sa 202 na bansa sa buong mundong may pinakamabagal na internet connection. (Rommel Tabbad)

Probinsya

Pampasaherong bus, nahulog sa bangin; 2 nasawi!