Inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang lahat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) na magsagawa ng konsultasyon sa buong bansa kaugnay sa panukalang P125 across-the-board wage sa pangkalahatang pagtaas sa pribadong sektor.

“I have instructed all Regional Wage Boards to convene and review the anticipated legislative measures on the P125 wage increase. All workers, regardless of whether they are agricultural or non-agricultural, deserve equal treatment under the law,” pahayag ni Bello.

Layunin nito na mapag-aralang mabuti ang panukalang dagdag sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor na ihaharap sa 17th Congress.

Kabilang sa mga kokunsultahin ang mga grupo ng employers at iba pang ahensiya ng gobyerno upang matukoy ang kasalukuyang pasahod at socio-economic conditions na maggagarantiya sa P125 across-the-board wage adjustments.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga pinagsama-samang ulat mula sa konsultasyon ng 17 Regional Wage Boards ay isusumite sa tanggapan ni Bello ng hindi lalagpas sa Setyembre 14.

“The proposal for a P125 across-the-board increase have been filed before. We foresee that the same measures will be re-filed in the 17th Congress,” wika ni Bello. (MINA NAVARRO)