ANG mga iniidolong Kapuso ay hindi lang sa aktingan nagpapagalingan kundi maging sa kanilang iba’t ibang pinagkakaabahalan. Silipin kung nasaan sila kapag wala sila sa showbiz o sa harap ng camera sa ‘Negosyo ni Idolo’.
Kilalanin kung sinu-sino ang mga artista na may sarili ring negosyo.
Bibisitahin din ang mga bata sa unang taon ng kanilang bagong bahay sa Childhaus Manila. Makikitang masayang masaya silang lahat sa bonggang tahanan na ito na ibinigay ng kanilang Kuya Hans Sy.
Kukumustahin din ang pinakabago at pinag-uusapang primetime serye ng GMA-7 na pinagbibidahan nila Tom Rodriguez at Lovi Poe, ang Someone to Watch over Me.
Samantala, back-to-back biritan ang magaganap sa pinakabagong Celebrity Singing Competition na pinangungunahan ni Jennylyn Mercado. Makisaya sa paniguradong nakakatawa at nakakaaliw, na Superstar Duets. At sa ‘Showbiz Express’ni Aster Amoyo, kinumusta ang child star na si Alonzo Muhlach.
Lahat ng ito at iba pa ay mapapanood sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado (September 10) 9-10 AM sa GMA NewsTV.