regine-at-nate-copy-copy

HINDI nahirapan ang press people na interbyuhin si Nate Alcasid sa presscon/launching niya bilang new ambassador ng Smart Watch PLDT Home dahil sinagot ang lahat ng tanong. Nakipagbiruan din ito sa mga reporter at laging nakangiti.

Pero ang inang si Regine Velasquez-Alcasid at mga taga-PLDT Home ang nagsabi ng advantages ng may Smart Watch.

Mabilis nilang makausap si Nate dahil madali itong sumagot gamit ang Smart Watch ‘pag connected sa kanilang Telpad or smart phone.

Dagdag pa ni Regine, tinuruan ng Smart Watch si Nate na maging responsible at maging aware sa kanyang surroundings.

Human-Interest

ALAMIN: Totoo bang nakakaganda ng boses ang luya?

Nate has only to click on a button and the connected device will make a sound so it can be located. The Smart Watch will also vibrate if Nate is more than 10 meters away from the paired device. So, if the Telpad or smart phone is with Regine or Ogie (Alcasid), it will remind him to go back to them.

“Bukod sa Smart Watch, madali kong mahanap kung nasaang parte ng bahay namin si Nate dahil mahilig siyang kumanta.

Pinakikinggan ko lang kung saan galing ang boses niyang kumakanta and that’s where I find him,” kuwento ni Regine.

Pang-apat nang endorsement ni Nate ang Smart Watch, pero hindi sinasabi ni Regine sa anak na may talent fee siya na inilalagay niya sa bangko.

“Enjoy siya sa TVC shoot, behave siya. He listens to me, he listens to his director and he follows to instructions. Puwede na siyang pagkakitaan, maggagantsilyo na lang si Mommy,” pabirong sabi ni Regine.

Natawa ang press people kay Nate nang paglaruan ang balloons na decoration ng Cerchio Restaurant para sa presscon/launching niya. Tinawag na “putotoy” ang balloons at ipinakita pa kay Regine na hindi rin napigilang tumawa.

Mabuti at hindi narinig ni Nate ang tanong ng isang reporter kung kaninong putotoy ang naisip niya, pero nakaka-curious kung sino ang kanyang isasagot.

Anyway, ang PLDT Home subscribers na mag-a-upgrade sa Telpad plan ay automatic na may free 1Mbps HOME DSL speed boots, and for only an additional P199 per month, they can already top up with a Smart Watch. Available rin ang Smart Watch sa existing Telpad subscribers. Simply order online and it will be delivered for free. For more information, visit pldthome.com/telpad/smartwatch. (NITZ MIRALLES)