TAWA kami nang tawa sa komento ng ilang supporters ng isang kilalang grupo. Naasiwa sila at kinaaasaran nila ang isa sa mga miyembro ng grupo dahil feeling pinakamagaling at pinakasikat lalo na kung sumasagot sa mga panayam, siya ang lumalabas na lider.

Sinabi namin sa mga supporter ng kilalang grupo na dapat ay suportado nila ang lahat ng mga miyembro ng itinayo nilang fans club.

 

“Sinusuportahan po namin sila, ‘kaso itong si _____ (miyembro) feeling sikat, feeling lider, eh, hindi naman dapat kasi pantay-pantay sila. Lahat naman kasi maraming fans, ‘kaso itong si ____ (miyembro), akala niya siya ang pinakasikat,” katwiran ng kilalang fans club.

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

 

Actually, Bossing DMB, napansin din namin na astang lider lideran nga ang miyembrong ito at feeling pinaka-sikat sa grupo, pero hindi naman dahil iilan lang naman ang project niya, nauna lang siyang isama sa serye pero pagkatapos ay wala nang next project samantalang kaliwa’t kanan ang projects ng mga kasama niya.

 

At pagdating sa looks department, hindi naman din exceptional dahil mas may itsura ang iba niyang mga kasama.

(Reggee Bonoan)