liam-at-miley-copy

HINDI lingid sa kaalaman ng lahat na nagkabalikan na sina Liam Hemsworth at Miley Cyrus, bagamat pinapanatili nilang pribado ang kanilang relasyon.

Gayunman, noong Huwebes, ibinahagi ni Hemsworth ang throwback photo nila ng kanyang fiancée na mukhang kuha pa noong mga unang bahagi ng kanilang pagiging magkasintahan. Nilagyan niya ito ng caption na, “Throwing it WAY back… what a ‘blur.’ #TBT.”

Nagkakilala ang aktor ng Hunger Games at ang singer ng Wrecking Ball nang gumanap bilang love interest ng isa’t isa sa pelikula ni Nicholas Sparks na The Last Song noong 2009.

Human-Interest

Tripleng tagumpay! Identical triplets, magna cum laude sa degree program nila

Naging engage ang dalawa pagkaraan ng tatlong taon, ngunit hindi umabot noon sa altar sina Cyrus, 19, at ang 22-year-old na si Hemsworth. Tinapos nila ang kanilang relasyon pagkaraan naman ng isang taon, at nagkabalikan noong huling bahagi ng 2015.

“Of course [the breakup] was hard, man,” saad ni Hemsworth sa GQ Australia noong Hunyo. “But at the time, we were going in different directions, and it’s just what needed to happen. We were both super young, and it was a good decision at the time — we both needed that.”

Ngayong panahon naman, napapanatili nina Cyrus at Hemsworth na maging low-profile ang kanilang relasyon, madalang na nagpo-post ng snapshot tungkol sa isa’t isa. Bagamat minsan, kailangan pa ring ipakita ang pagmamahal para sa iyong significant other – partikular kung may pagkakataon na ipakita ang iyong hot beach bod! (Yahoo Celebrity)