kris-copy

NAKAUSAP namin si Mr. Tony Tuviera nitong nakaraang Linggo, bago nagsimula ang first anniversary celebration ng Sunday PinaSaya at sinabi namin na marami na ang naghihintay sa detalye kung ano ang napag-usapan nila ni Kris Aquino tungkol sa pagbabago nito ng management. 

Ayon kay Mr. T, wala pa raw naman silang saradong usapan ng Queen of All Media kaya wala pa siyang puwedeng ikuwento sa amin. 

Malalaman din daw iyon pagdating ng tamang panahon, nagbibiro pang sagot ng producer ng TAPE Inc. ng Eat Bulaga, APT Entertainment, Inc. at ng kanyang Triple A (All Access to Artists) talent management agency.

Nakita rin namin si Barbie Forteza, ang impersonator ni Kris as Kissy Anino sa segment nila ng “Star Buzz” kasama sina Ai Ai delas Alas at Wally Bayola. Naalaala naming biniro si Barbie ng entertainment press sa anniversary presscon ng show kung ano ang naramdaman niya sa balitang lilipat si Kris sa GMA at puwedeng mag-guest sa Sunday Pinasaya?

Lifehacks

ALAMIN: ‘Tipid tips’ sa kabila ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo

“Nakaka-stress din, pero nakaka-excite kung magkikita kami nang personal” sagot ni Barbie. “Ako naman po as her impersonator, hindi ko siya binabastos, wala akong ginagawa na hindi niya ginagawa, wala akong sinasabi na hindi niya sinasabi. Sumusunod lang po ako at trabaho lang ‘yon. Gumagawa rin ako ng research kapag may iinterbyuhin kami sa segment namin, kinikilala ko po siya, tulad din ng ginagawa niya sa mga iniinterbyu niya sa kanyang show noon.”

Paano kung sa unang pagkikita nila ni Kris ay ito pa ang unang bumati at yumakap sa kanya at magpasalamat sa mahusay na pag-impersonate niya?

“Naku, magiging sobrang thankful po ako at napakalaking accomplishment po iyon sa akin na ma-recognize ako ng mga malalaking taong tulad ni Ms. Kris. Salamat po.”

Natawa kami sa kuwento ni Barbie na nauubusan na siya ng yellow dress na isinusuot linggu-linggo sa Sunday show. Requirement kasi ng production na lagi siyang nakadilaw at iniingatan din ng stylist na maging sexy ang isinusuot niyang dress o long gown. At pinag-aaralan talaga niya ang intonation at diction ni Kris, na siyempre, dahil spoof, medyo OA ang acting niya. Kaya nagpapasalamat naman si Barbie kapag may pumupuri sa kanya after ng segment, sa pamamagitan ng tweets sa social media.

Naging very successful ang first ng two Sundays celebration ng Sunday PinaSaya last September 4, na naging special guest si Maine Mendoza at si Ogie Alcasid na biniro ng hosts ng show na bumalik na sa GMA-7, upang siya ang mag-host ng “Kantaririt” segment, at sagot niya, heto na nga!

Sa Sunday, September 11 tuloy ang celebration ng first anniversary ng show at naroon pa rin si Maine, pero iba na ang concept ng eksena nila, hindi na sila sina DJ Bae ni Alden Richards at siya si DJ Mae. Sino kaya ang VIP guests nila sa Linggo? (NORA CALDERON)