CAPAS, Tarlac - Naging madugo ang pagsambulat ng personal na galit ng isang binatilyo sa isang 29-anyos na lalaki na pinagtatarakan niya ng gunting sa ulo at sa iba pang parte ng katawan sa Barangay O’Donnell, Capas, Tarlac, Miyerkules ng madaling araw.

Sa report kahapon ni PO3 Aladin Ao-as, 17-anyos lang ang suspek sa pananaksak kay Raymund Caputol, binata, ng nasabing barangay.

Napag-alaman na matagal nang may alitan ang dalawa at dakong 1:30 ng umaga nitong Miyerkules nang pumasok ang suspek sa kuwarto ng biktima at pinagsasaksak ito gamit ang isang gunting. (Leandro Alborote)

Probinsya

Maglolo na nag-away dahil sa pinto, nauwi sa saksakan; 1 sugatan!