kate-valdez-at-mikee-quintos-copy

IKATUTUWA nina Kate Valdez at Mikee Quintos, gumaganap na Lira at Mira respectively sa Encantadia ang positive feedback ng Encantadiks sa acting nila sa fantaserye. 

Nakikipagsabayan na kasi ang dalawang bagets sa mga batikan nang co-stars nila gaya nina Glaiza de Castro, Angelu de Leon, Kylie Padilla, Vaness del Moral at Ryan Eigenmann.

Napahiya ang mga nagdududa sa umpisa kina Kate at Mikee dahil kayang-kaya nilang maging sina Lira at Mira ‘pag nasa harap na sila ng camera.

Mga Pagdiriwang

Kyle Jennermann at misis, nakisayaw sa Obando

Sa dalawa, si Kate ang may experience na sa acting dahil lumabas na siya sa Destiny Rose bilang anak ni Irma Adlawan.

Sa nasabing afternoon soap, kinakitaan na ng mahusay sa pag-arte si Kate.

First acting project naman ni Mikee ang Encantadia at masayang-masaya siyang mapabilang sa cast ngEncantadia.

“Sino naman ang hindi magiging masaya kung role ni Mila (siya ang totoong si Lira) ang ibibigay sa iyo? Si Jennylyn Mercado ang original na Mila/Lira at tingnan n’yo naman, malaking artista na siya ngayon. Napi-pressure ako dahil alam kong ikukumpara ako sa kanya, ang ginagawa ko na lang, mag-focus sa character ko at basahin at pag-aralan ang script at pag-aralan how am I gonna give life to my character,” pahayag ni Mikee. (Nitz Miralles)