BUMISITA sa Mindanao ang ilan sa hottest Kapuso stars upang makiisa at makisaya sa pagdiriwang ng tatlo sa pinakamalalaking festivals sa bansa: ang Kadayawan ng Davao, Higalaay ng Cagayan de Oro, at ang Tuna Festival ng General Santos.

 Lalong pinatingkad ng mga bida ng Encantadia ang itinuturing na “king of all festivals” ng Mindanao -- ang Kadayawan Festival -- sa pamamagitan ng Kapuso Mall Show sa Gaisano Mall Davao noong August 20.

Libu-libong mall-goers ang nakisaya sa mga Sang’gre na sina Kylie Padilla at Glaiza de Castro, kasama ang kanilang co-stars na sina Ruru Madridat Migo Adecer. Pinakilig din ni James Wright ang mga manonood.

Bago ang nasabing mall show, fun-filled afternoon din ang inihatid ng Kapuso stars sa kanilang pagbisita sa Barangay 23-C para sa isang Kapuso Barangayan.

Kinabukasan, suot ang kanilang Encantadia outfits, sumakay sa Kapuso float sina Kylie, Glaiza, Ruru, at Migo bilang pakikibahagi sa Pamulak sa Kadayawan Float Parade.

Tsika at Intriga

#BalitaExclusives: Kung kelan patay na raw? VJ Mendoza binakbakan dahil kay Sue Prado, dumepensa!

Lalo pang naging makulay ang pagdiriwang ng Kadayawan Festival sa pagdating ng cast ng naglalakihang Kapuso show na Someone to Watch Over Me, Sinungaling Mong Puso, at Juan Happy Love Story. Nagsama-sama ang mga bida ng mga nasabing programa para sa isa pang Kapuso Mall Show na ginanap noong August 21 sa Abreeza Mall.

Pinangunahan nina Lovi Poe at Tom Rodriguez ang mall show at nag-promote rin sila ng kanilang bagong drama series na Someone to Watch Over Me.

Buong pwersa rin ang pagpapakilig ng mga bida ng Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso na sina Rhian Ramos, Rafael Rosell, at Kiko Estrada.

Naging mainit naman ang song numbers ng stars ng katatapos lang na sexy-comedy series na Juan Happy Love Story na sina Dennis Trillo at Kim Domingo.

Makalipas ang isang linggo, muling lumipad patungong Mindanao ang leading men ng Sinungaling Mong Puso upang makiisa sa pagdiriwang ng Higalaay Festival ng Cagayan de Oro City.

Sa kanilang Kapuso Mall Show sa Centrio Mall noong August 28, hinarana ng Kapuso hunks na sina Rafael at Kiko ang mga Kagay-anon. Kasama nilang naghatid ng saya ang si Maey Bautista. Binisita rin ng dalawang aktor ang mga residente ng Bgy. Macabalan para sa isang Kapuso Barangayan. Ipinagdiriwang ang Higalaay Festival bilang pagkilala sa kapistahan ni San Agustin, ang patron ng CdeO.

Nitong nakaraang Sabado (September 3), muling sinamahan ni Rhian ang kanyang co-stars sa Kapuso Mall Show sa KCC Mall bilang pagdiriwang ng Tuna Festival sa GenSan.

Tinaguriang Tuna Capital of the Philippines ang GenSan at bawat taon ay ipinagdiriwang ng lungsod ang Tuna Festival bilang pasasalamat sa masaganang huli ng tuna. Sina DJ Papabola at DJ Mama Angel ng Bgy. 102.3 ang hosts ng nasabing Kapuso Mall Show.

Ang pakikiisa ng Kapuso Network, sa pamamagitan ng GMA Regional TV department, sa tatlo sa naglalakihang festivals sa Mindanao ay patunay ng patuloy na pagnanais ng GMA na lalo pang mailapit ang mga programa at artista nito sa mga Kapuso sa iba’t ibang lugar sa bansa.