jessy-at-anne-copy

GRABE ang fans nina Angel Locsin at Jessy Mendiola, pagalingan ang mga ito sa pag-i-stalk sa social media accounts ng dalawang aktres. 

Alam ng kani-kanyang fans ang bawat activity ng dalawang aktres at ang mga ito rin ang unang nakakaalam kung nagpapasaring sila sa isa’t isa. Pati nga ang ibang artista, ini-involved ng fans sa isyu nina Angel at Jessy.

Ang fans ang unang nakaalam na in-unfollow ni Jessy si Anne Curtis sa Instagram pagkatapos daw i-post ni Anne ang picture nila nina Angel at Bubbles Paraiso na nagdi-dinner.

Ang hinala ng fans ni Anne, kaya siya in-unfollow ni Jessy dahil friend sila ni Angel na ex ni Luis Manzano. Paano raw kung magkaroon na ng relasyon sina Luis at Jessy, pipigilan daw ba ni Jessy si Luis na ipagpatuloy ang friendship nila ni Anne? 

Human-Interest

ALAMIN: Bakit naaapektuhan ng giyera sa Middle East ang presyo ng langis sa Pilipinas?

Papayag daw naman ba si Luis na masira ang pagiging BFF o best friend forever nila ni Anne dahil lang kay Jessy?

(NITZ MIRALLES)