VIENTIANE, Laos (AP) — Inilagay ni President Barack Obama sa sentro ng pag-uusap sa regional summit nitong Huwebes ang matagal nang umiinit na iringan sa South China Sea. Kahit na nagiging malinaw na hahayaan ng ilang nagtipong lider sa Laotian capital na makalusot ang China sa pamamagitan ng malumanay na pananalita kaugnay sa pagpapalawak nito ng teritoryo sa karagatang sagana sa likas na yaman.

“We will continue to work to ensure that disputes are resolved peacefully including in the South China Sea,” sabi ni Obama sa kanyang pambungad na talumpati sa pagpupulong kasama ang mga lider ng 10-miyembrong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sinabi niya na ang desisyon ng isang international arbitration noong Hulyo 12 laban sa China ay “binding” at nakatulong upang linawin ang karapatan ng bawat isa sa mga dagat sa rehiyon.

Paulit-ulit na nagpahayag ng pagkabahala ang U.S. sa mga aksyon ng Beijing sa South China. At muli itong binanggit ni Obama sa pulong sa Laos.

Tinukoy ang hatol ng Permanent Court of Arbitration na nagbabasura sa mga pag-aangkin ng China, sinabi ni Obama na:

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!

“I realize this raises tensions but I also look forward to discussing how we can constructively move forward together to lower tensions and promote diplomacy and regional stability.”