SHANGHAI (Reuters) – Sinabi ni Chinese Premier Li Keqiang kay Pangulong Rodrigo Duterte na umaasa siya na mapanumbalik ng China at Pilipinas ang mabuting samahan, inilahad ng Chinese foreign ministry sa pahayag na ipinaskil sa website nito noong Biyernes.

Nagpulong ang dalawang lider sa sidelines ng ASEAN summit sa kabisera ng Laos sa Vientiane noong Huwebes sa panahong mainit ang tensyon ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sinabi diumano ni Li na umaasa siya na maging “healthy” at “stable” ang bilateral relations.

Sinabi naman ni Duterte na ang mga tinuran ni Li ay katulad din ng sariling niyang mga prinsipyo at isa sa kanyang “active desire” ang pagpapabuti ng relasyon sa China.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture