Sa Martes magdedesisyon ang Senate Committee on Ethics kung aaksyunan ang reklamong inihain laban kay Senator Leila de Lima kaugnay sa pagkakadawit nito sa droga.
Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, magpupulong ang komite para himayin ang reklamo ni Atty. Abelardo De Jesus.
Nilinaw ni De Jesus na wala siyang direktang nalalaman sa sinasabing kaugnayan ni De Lima sa droga at ibinatay lamang niya ang kanyang reklamo sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman ang senadora sa paglipana ng droga sa New Bilibid Prison (NBP). (Leonel M. Abasola)