UNTI-UNTING nadaragdagan ang mga pangalang pumapabor sa Constitutional Commission (Con-Com), na binuo upang alalayan ang Kongreso sa pagrebisa ng Konstitusyon.
Na-develop ito habang inihahanda ni House Speaker Panteleon Alvarez ang pagsasapinal ng draft ng isang executive order na bubuo sa Con-Com upang tulungan ng Kongreso sa pagbalangkas ng mga batas.
Sa nagdaan kong column, ipinahayag ko ang saya na aking nararamdaman kaugnay sa mga mapagkakatiwalaang mamayan sa pangunguna nina dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, dating Senate President Nene Pimentel, abogadong si Reuben Canoy, Dean ng San Beda Law School na si Fr. Ranhilio Aquino, Fr. Joaquin Bernas, Professor Jack Jimenez, at mga kinatawan ng non-government organizations (NGOs), academe, kababaihan , kabataan , at iba pang sektor.
Ang iba pang kilalang personalidad na posibleng makiisa sa Con-Com ay sina dating Gov. Homobono Adaza, abogadong si Romy Macalintal, dating Congressman Allen Salas Quimpo, kolumnistang si Solita Monsod, UP President Dodong Nemenzo, dating Senator Rene Saguisag, at si dating Ambssador Rigoberto Tiglao.
Ang Con-Com ay kabibilangan ng 25 hanggang 30 miyembro na nagpamalas ng integridad at maaasahan. Gaya ng ipinahayag ko sa column na ito noong nakaraan araw, “Let us have faith in the Con-com” dahil binigo na tayo ng Kongreso sa mahahalagang isyu.
Ang hangarin ni Pangulong Duterte, sa pagsusulong ng charter change ay magpapatunay na ito ay valid at kinakailangan, sa pagkakabuo ng Con-com sa pananaw na hindi maaasahan ang Kongreso sa pagpapatupad ng anti-dynasty laws.
Habang ang level ng pangangailangan ng charter change ay umani ng kredibilidad at respeto, magkaisa tayo bilang iisang bansa at bayan upang maging independent, at maging bagong Pilipinas. (Johnny Dayang)