ROSARIO, Batangas - Hindi pa man nabibistahan sa kanyang kaso, pinagbabaril at pinatay na ang isang sumuko sa pulisya dahil sa pagkakasangkot sa droga sa Rosario, Batangas.

Ayon sa report ni PO1 Nunilon Repollo IV, dead on arrival sa Christ The Saviour General Hospital si Ervin Reña, 33, ng Barangay Mabato, na nasa drug watchlist ng pulisya at may nakabimbing kaso sa droga.

Nabatid sa report na dakong 5:50 ng hapon nitong Miyerkules at katatapos lang kumain ng lomi ni Reña at palabas na sa eatery sa Bgy. Baybayin nang pagbabarilin ng suspek na sakay sa motorsiklo. (Lyka Manalo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol