Isang ad hoc body ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bubuin na susubaybay sa mga pangunahin at malaking proyektong imprastraktura ng bansa upang matiyak ang kalidad at napapanahong pagpapatupad sa mga ito.
Itatatag ng DPWH ang Infrastructure Monitoring Advisory Group (IMAG) na magbibigay-daan sa partisipasyon ng publiko na subaybayan ang mga konstruksiyon ng mga proyekto. (Mina Navarro)